Bibiyahe sa Germany kasama si Ruffa, Annabelle magpapakondisyon sa kampanya kaya magpapa-stem cell therapy

Posted: July 10, 2012 at 5:14 pm

Tuloy na ang stem cell therapy ni Annabelle Rama dahil naka-schedule na siyang pumunta sa Germany sa first week ng September.

Kasama ni Annabelle sa Germany trip ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Hindi ako sure kung may plano rin si Ruffa na magpa-stem cell therapy dahil walang age limit ang procedure na pinag-uusapan na ngayon sa apat na sulok ng showbiz.

Tinutukso si Annabelle Rama na may kinalaman sa kanyang pagkandidato sa Cebu ang desisyon niya na sumailalim sa stem cell therapy.

Tumawa lang si Bisaya na mukhang seryoso na sa pagkandidato bilang kongresista ng North Cebu sa eleksiyon sa susunod na taon.

Binibiro si Bisaya na magpapa-stem cell therapy siya para kundisyon na kundisyon ang katawan niya habang nangangampanya sa North Cebu.

Ayaw kumpirmahin ni Bisaya ang political plans niya. Hintayin na lamang daw ng mga tao ang kanyang bonggang announcement sa October.

Asawa ni Jose nag-iba ng abogado matapos matalo

How true na iba na raw ang lawyers ni Analyn Manalo kaya tumanggi nang magsalita ang kanyang mga dating abogado?

Si Analyn ang kontrobersiyal na dyowa ni Jose Manalo. Ilang buwan nang nasa news ang mag-asawa dahil sa kanilang paghihiwalay.

News noong weekend na natalo si Analyn sa kaso na isinampa niya laban kay Jose.

See the article here:
Bibiyahe sa Germany kasama si Ruffa, Annabelle magpapakondisyon sa kampanya kaya magpapa-stem cell therapy

Related Post

Comments are closed.

Archives