Ricky Reyes to help set up Fresh Cell Therapy clinic in the Philippines

Posted: October 14, 2012 at 12:12 am

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang Fresh Cell Therapy (FCT) o mas kilala natin bilang stem cell therapy lalo nat marami nang celebrities ang nahihikayat na sumailalim sa naturang medical procedure na nagpo-promote ng anti-aging at nakatutulong para labanan ang ilang serious health conditions.

Isa na nga rito ang sikat na hairstylist, beauty expert, philanthropist, businessman, at TV host na si Ricky Reyes o mas kilala bilang si Mother Ricky.

Sumailalim si Mother Ricky sa FCT noong Hunyo ng taong ito at ngayon nga ay ine-enjoy niya ang benepisyo nito sa kanyang kalusugan.

The fact that my arthritis is gone, Im very, very happy and Im thankful to Bobby [Kittichaiwong, Villa Medica CEO). And its just a two-shot on my back, gone instantly. You know, yung quality of life mo na hindi ka aray-aray-aray?

Tapos nagpunta ako sa Germany last June and its such a beautiful place. We even had meron ka pang tour sa Paris [France]. Very nice place, sabi ni Mother Ricky.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mother Ricky sa presscon ng Villa Medica tungkol sa FCT na ginanap kaninang tanghali, Oktubre 13, sa Crowne Plaza sa Ortigas, Pasig City.

Hindi rin daw niya maitatanggi ang kabutihang naidulot ng FCT sa kanyang ina, na sumailalim din sa naturang therapy.

Oo naman, with my experience with my mom. Dati nakatungo na, ngayon nakataas na yung leeg na ganyan, paglalarawan pa ni Mother Ricky tungkol sa nagawa ng FCT sa kanyang ina.

Nai-stretch na yung mga kamay. Isang malaking utang na loob ko yun kay Bobby. It is a Christmas gift of Bobby to me to cure my mom.

Read this article:
Ricky Reyes to help set up Fresh Cell Therapy clinic in the Philippines

Related Post

Comments are closed.

Archives